
Pinag-aaralan ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapatupad ng price freeze partikular na sa mga high value products sa mga apektadong lugar sa bansa kasunod ng pananalasa ng Bagyong Tino.
Iyan ang inihayag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel sa Joint Press Conference sa pangunguna ng Department of Agrarian Reform.
Ayon sa kalihim, kanila pang aalamin kung sang lugar ang posibleng ipatupad ang price freeze.
Para kay Laurel, maari kasing sa hanggang isa o dalawang probinsya lamang maipapatupad ang price freeze.
Ngunit kanila ring kinokonsidera na magkaroon rin ng price freeze sa iba pang lugar depende sa market nito.
Dagdag ng kalihim na posible sa Biyernes o Sabado kanilang aaksyunan ang pagpapatupad ng price freeze.
Batay sa huling monitoring ng ahensya, isa ang high value crops sa mga agricultural products na lubos na naapektuhan dahil sa nagdaang bagyo.
Samantala, mamahagi ang DA ng ₱255 million halaga ng tulong agrikultural sa mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng hagupit ng bagyo.
Kabilang sa mga ipapamahagi ng ahensya ang mga seedlings, fertilizers, pesticides, at mga fishing gears.









