
Inaasahan na magtatakda na rin ang Department of Agriculture (DA) ng suggested retail price para sa manok sa Setyembre.
Ayon Kay DA spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, ipapatupad nila ito pagkatapos ng MSRP sa imported na baboy sa Agosto.
Aniya, layon nito na maibsan ang epekto ng kakulangan sa suplay ng karne.
Tiniyak din ni De Mesa na posibleng bumaba ang retail price ng manok matapos alisin ang temporary ban sa importasyon ng manok sa Brazil.
Facebook Comments









