DA, pinaghahanda na ang mga lugar sa Eastern Mindanao dahil sa bagyong Ambo

Pinaghahanda na ng Department of Agriculture (DA) ang mga magsasaka sa harap ng pagtama sa Eastern Mindanao ng bagyong Ambo.
Sa virtual presser ng DA, pinayuhan ni Assistant Secretary at Spokesperson Noel Reyes ang mga magsasaka na magpatupad ng hakbang upang matiyak na hindi magdudulot ng matinding pinsala sa pananim at paghahayupan ang paghagupit ng bagyo.
Payo ni Reyes, kuhanin na ang na ang mga malapit nang anihing palay at iimbak ng maayos.
Inatasan naman ng DA ang lahat ng mga Regional Field Offices nito na ipagamit ang mga post-harvest equipment, partikular ang mga drying facilities at mga storage upang matiyak na ligtas at mapanatili ang kalidad ng mga aanihing produkto.
Para sa buwan ng Mayo nasa average na 14% o katumbas ng 97,576 hectares ng palay ang maari nang anihin sa Regions 5, 6, 7, 8, 11,12 at 13.
Pinapayuhan din ang mga pangingisda na ilagay na sa mataas o ligtas na lugar ang kanilang mga kagamitan at bangkang pangisda at huwag nang pumalaot sa karagatan.
Naka-monitor na rin ang DA Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center sa mga maapektuhang lugar para sa agarang ayuda.

Facebook Comments