Pinaghahandaan na ng Department of Agriculture (DA) ang posibleng epekto sa rice-farming region ng papasok na La Niña.
Inanunsyo ng DA na nakapag-develop na ang Philrice ng hybrid rice varieties na may kakayahang mabuhay sa panahon ng tag-ulan.
Ayon kay Dr. Fidel Ramos, tagapamuno ng Public Hybrid Rice Seed Systems Project ng Philrice, lumitaw na anim na varieties ng hybrid rice ang isinalang sa ekperimento sa isang demonstration farm.
Abot sa 20 rice farmers, mga seed company representatives at PhilRice staff ang nangasiwa sa demo farm.
Lumilitaw na nagpakita ng magandang ani ang naturang mga varieties matapos itinanim sa wet season.
Ang pagbuo ng mga hybrid rice techno-demo farms sa mga piling PhilRice stations sa mga State Colleges at Universities (SUCs) ay bahagi ng Rice Resiliency Project ng DA.
Layon nito na maitaas ang produksyon ng palay at makamit ang target na sufficiency level mula sa kasalukuyang 87 patungong 93%.