DA, pinagkalooban ng libreng binhi ang mga magsasaka na binaha sa Oriental Mindoro

Nagkaloob ang Department of Agriculture (DA) sa MIMAROPA Region ng 2,850 bags ng certified seeds na may kabuuang halaga na P4,332,000 sa ilang bayan at lungsod ng Calapan sa Oriental Mindoro na naapektuhan ng sunod-sunod na pag-ulan at mga pagbaha.

Kasunod ito ng paghingi ng ayuda ng mga Municipal/City Agriculture Officers doon para makapagsimula muli sa kanilang kabuhayan ang mga magsasaka.

Ginamit dito ng DA ang buffer stock na sadyang nakalaan sa panahon ng kalamidad.


Ayon kay Oriental Mindoro Agricultural Program Coordinating Officer Artemio Casareno kabilang sa mga nasabing munisipalidad na tumanggap ng mga binhi ng palay ang Baco (473 bags), Naujan (1,059 bags), Pola (200 bags), Pinamalayan (150 bags), Bansud (197 bags), at Victoria (306 bags) habang 465 bags naman ang napunta sa Calapan City.

Facebook Comments