Pinaglalatag ng Pork Producers Federation of the Philippines (Pro-Pork) ng mekanismo ang Department of Agriculture (DA) sa mga pumapasok na imported pork sa bansa.
Ayon kay Pro-Pork President Edwin Chen, dapat kontrolin ang pagpasok sa bansa ng mga imported na baboy para maiwasan ang sobra-sobrang supply nito.
Batay sa tala ng grupo, 300 porsyentong o 130 bilyong kilo ng mga imported na baboy ang pumasok sa bansa noong 2022.
Pero kahit na natapos na ang holiday season, mayroon pang 90 bilyong kilo ang natitira sa mga cold storage facility.
Facebook Comments