Pinaghahanda na ng Department of Agriculture ang mga magsasaka at mga mangingisda sa mga lugar na tatamaan ni bagyong Tisoy sa silangang bahagi ng Bicol at Eastern Visayas Regions.
Pinayuhan ni Agriculture Secretary William Dar ang mga magsasaka na anihin na ng mas maaga ang kanilang mga pananim.
Kung maaari ay ipagpaliban muna ang pagtatanim hanggang makalabas na ng par ang bagyo.
Pinapakilos na rin ng agriculture chief ang mga DA-regional field offices na magpatupad ng paghahanda para hindi labis na naapektuhan ang mga pananim, paghahayupan, pangisdaan at sa infrastructure facilities.
Pinagbawalan naman ang mga mangingisda na pumalaot sa karagatang tutumbukin ng bagyong Tisoy dahil sa malalaking alon.
Sa report ng PAGASA,inaasahan na magdadala ng kalat kalat na pag-uulan so bagyong Tisoy habang papalapit sa Bicol at Silangang Kabisayaan .
Maglalabas naman ng regular bulletins ang DA-DRRM Operations Center para magsilbing gabay ng mga magsasaka at mangingisda.