Thursday, February 5, 2026

DA, pinalawig ang “Benteng Bigas, Meron Na” program sa Pampanga

Papalawakin pa ng Department of Agriculture (DA) ang programang “Benteng Bigas Meron Na” sa probinsya ng Pampanga.

Ang hakbang na ito ay upang matiyak ang abot-kayang bigas at palakasin ang imprastraktura sa agrikultura.

Pinangunahan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Lairel Jr. ang paglulunsad ng programa kasama ang mga opisyal ng Lubao.

Sa ilalim ng nasabing programa ay, maaaring makabili ng bigas sa halagang P20 kada kilo ang mga kwalipikadong benepisyaryo kabilang dito ang senior citizens, person with disabilities (PWDs), solo parents, Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries, magsasaka, mangingisda, at minimum wage earners.

Binisita rin ng mga opisyal ang P414.8-milyong Pampanga Food Security Complex na inaasahang magpapahusay sa postharvest facilities, magbabawas ng pagkalugi ng ani, at magtitiyak ng sapat at dekalidad na suplay ng bigas sa lalawigan.

Facebook Comments