DA, pinalawig ang pag-iisyu ng Fish Import Permits hanggang ngayong buwan

Pinalawig ng Department of Agriculture (DA) ang deadline para sa pag-iisyu ng fish at seafood import hanggang sa katapusan ng Hunyo.

Ito’y upang bigyan ng sapat na panahon ang mga importer na makapag-adjust sa mga bagong panuntunan sa layuning mapabagal ang food inflation at mapatatag ang alokasyon.

Inaprubahan ng DA nitong mga unang buwan ng taon ang importasyon ng hanggang 25,000 metric tons ng isda at seafood — pangunahin para sa serbisyo sa pagkain, turismo at hospitality industries.

Pero, halos ikaapat na volume lamang ang nakarating sa bansa dahil napakahigpit na importation timelines at problema sa pagkukunan ng supply.

Tiwala naman si Agriculture Fracisco Tiu Laurel na sa pamamagitan ng mga inayos na polisiya, magagamit ng husto ang natitirang import volume.

Facebook Comments