DA, pinaplantsa pa ang halaga ng fuel subsidy na ipapamahagi sa mga mga magsasaka at mangingisda

Ipamamahagi na ng Department of Agriculture (DA) ngayong Marso ang fuel subsidy para sa mga magsasaka at mangingisda.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na nakipag-usap na sila sa Department of Budget and Management (DBM) para makuha ang pondo at mailatag ang guidelines sa gagawing pamamahagi.

Ayon kay Dar, P500 million ang halaga ng ipamamahagi nilang fuel subsidy.


Pinaplantsa na lamang nila sa ngayon kung magkanong halaga ang ipamumudmod nila sa bawat kwalipikadong benepisyaryo.

Facebook Comments