DA, pinasimple ang procurement process ng 4-wheel tractor para mapabilis ang mechanization program nito

Sa layuning mas makahikayat ng mas maraming farm machinery manufacturers at distributors na aktibong makibahagi sa farm mechanization program ng gobyerno, pinaikli ng Department of Agriculture (DA) ang umiiral na 25-year at 30-year “market presence” requirement patungong 10 years na lang.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, layon nitong luwagan ang polisiya at gawing mas makapag-kumpitensya ang bidding at procurement process alinsunod sa ‘Government Procurement Reform Act’ or Republic Act 9184.

Sa pamamagitan nito, mawawala ang persepsyon na kumikiling sa pinapaborang prospective bidders ang mga bidding.


Dahil kasi sa 25-year to 30-year market presence requirement, hindi na nakakalahok ang ibang farm machinery manufacturers at distributors sa farm mechanization program ng DA.

Dahil dito, inaasahang mas maraming industry players ang makikibahagi at mas lalawak ang mapagpipiliang suppliers para mapabilis ang farm mechanization program ng Duterte administration.

Facebook Comments