DA, pinatututukan ang presyo ng bigas sa kabila ng import ban

Ipinag-utos ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel ang mas pinahigpit na market monitoring upang masiguro na nasusunod ang ₱43 na maximum suggested retail price (MSRP) sa imported rice.

Inatasan ni Asec. Laurel ang Agribusiness and Marketing Assistance Service na mag-ikot sa mga palengke na napaulat na may pagtaas ng presyo ng imported rice.

Kung mapatutunayan ang mga reklamo, mag-iisyu sila ng show cause order.

Iginiit din ni Tiu na sapat pa ang suplay ng imported rice kahit pinalawig ang import freeze.

Aminado rin ang kalihim na mataas ang demand sa high-quality imported rice dahilan ng mas mahigpit na supply.

Gayunman, naniniwala pa rin siya na dapat manatili sa ₱43 ang MSRP para sa 5-percent broken rice.

Facebook Comments