Pinayuhan ng Department of Agriculture (DA) ang mga magsasaka sa silangang Luzon at Visayas na anihin na ang kanilang mga pananim sa lalong madaling panahon para mabawasan ang posibleng pinsalang maiwan ng Bagyong Bising sa sektor ng agrikultura.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, mas makabubuting magsagawa ng early harvest na magsasaka sa Bicol at Eastern Visayas na posibleng maapektuhan ng bagyo.
Pinag-iingat din ni Dar ang mga mangingisda at iwasang pumalaot kung hindi na maganda ang kondisyon ng dagat.
Sa datos ng DA Eastern Visayas, nasa higit 125,000 hectares ng bigas ang nasa reproductive stage at maturity stage habang nasa 460 hectares ang taniman ng mais.
Facebook Comments