Iginiit ng Department of Agriculture (DA) na hindi lamang baboy at manok ang maaaring mapagkunan ng protina (protein).
Ito ang pahayag ng kagawaran kasunod ng mga ulat na may ilang palengke sa Metro Manila ang nagbebenta pa rin ng karneng baboy sa halagang 350 pesos kada kilo, 50 hanggang 80 pisong mataas sa price ceiling na ipinatutupad ng gobyerno.
Ayon kay Agriculture Spokesperson Assistant Secretary Noel Reyes, ang mga isda, soybeans, at itlog ay ikinokonsiderang alternative sources ng protein.
Aminado si Reyes na may ilang palengke pa rin ang nagbebenta ng baboy na lagpas sa itinakdang price cap.
Pero gumaganda naman aniya ang status sa ibang mga palengke at binabantayan nila ito.
Aabot na sa 3,072 na baboy ang ipinadala sa Metro Manila mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.