May praktikal na payo ang isang opisyal ng Department of Agriculture (DA) para sa mga magdiriwang ng Valentine’s day o Araw ng mga Puso.
Sa Malacañang press briefing, iminungkahi ni DA Undersecretary Roger Navarro na sa halip na rosas o ano mang uri ng bulaklak ay mas makakatipid kung bigas ang ireregalo sa mga asawa o minamahal.
Ayon kay Navarro, hindi bukod sa hindi nakakain ang rosas o ano mang uri ng bulaklak, matinik ito at hindi tulad ng bigas na matamis.
Sa mga oras na ito ay nagmahal na ang presyo ng bulalak sa Dangwa, Maynila kung saan nasa ₱1000 ang pinakamamabang presyo ng rosas kada bundle, hindi tulad aniya ng bigas na mabibili lamang sa ₱50 kada kilo.
Facebook Comments