Nakipagpupulong ang Department of Agriculture (DA) sa mga industry stakeholder upang tumulong na mapababa ang presyo ng bigas.
Tumaas ang pandaigdigang presyo ng pagkaing butil mula nang ipagbawal ng India ang pag-export ng non-basmati rice noong Hulyo ng nakaraang taon dahil sa pangambang magkaroon ng kakulangan sa suplay na dulot ng El Niño.
Nagpadagdag pa sa sitwasyon ang paghina ng piso na nagpamahal sa presyo ng imported na bigas.
Sa bahagi ng mga rice industry stakeholder, nauunawaan nila ang inisyatiba ng pamahalaan na ibaba ang presyo ng bigas, at makipagtutulungan sila upang makatulong na maisakatuparan ito.
Ayon sa mga rice industry players, kung masusustentuhan ng gobyerno ang mas mababang presyo ng bigas sa loob ng bansa, maaari itong umugong sa pandaigdigang merkado at magresulta sa patuloy na pagbaba ng presyo ng palay, lalo na sa pagpapagaan epekto sa produksyon dulot ng El Niño.
Sa ngayon, upang may mabiling murang bigas ang mga maralita, sinimulan na ng Department of Agriculture ang pagbebenta ng bigas sa halagang P29 kada kilo sa mga piling Kadiwa sites.