DA, planong mag-angkat ng 22,000 metric tons ng sibuyas

Target ng Department of Agriculture (DA) na mag-import ng 22,000 metric tons ng sibuyas.

Ayon kay DA Spokesman Asec. Rex Estoperez, ito ang lumabas sa kanilang pag-aaral na kailangan para sa isang buwan na suplay.

Tinitignan na rin aniya nila ang government to government contract sa pag-import ng sibuyas.


Ito ay upang hindi makontrol ng mga pribadong trader ang imported na sibuyas at maiiwasan ang smuggling.

Umaasa sila na maibebenta sa P70 hanggang P80 ang imported na sibuyas.

Samantala, nakikipag-ugnayan na sa mga Local Government Unit ang DA upang makatuwang sa pagpababa ng presyo ng sibuyas.

Sinabi ni Estoperez na ang mga LGU kasi ang may police power na pwedeng mag-compel sa mga cold storage na maglabas ng mga suplay.

Nakikiusap na rin sila sa onion traders na huwag itaas nang husto ang presyo.

Facebook Comments