Thursday, January 22, 2026

DA, planong mag-angkat ng humigit-kumulang 300,000 metric tons ng bigas sa Pebrero para sa sapat na suplay sa merkado

Plano ng Department of Agriculture (DA) na mag-angkat ng humigit-kumulang 300,000 metric tons ng bigas sa February para mapanatiling sapat ang suplay at mapatatag ang presyo nito sa merkado.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr , hindi muna itataas ang rice tariffs hanggang February habang inaayos ang final operational details para maiwasan ang ispekulasyon sa merkado.

Ani Laurel Jr., layon ng hakbang na balansehin ang pangangailangan sa rice imports at ang proteksyon sa kita ng mga magsasaka, lalo na habang papalapit ang main harvest sa mga lalawigan tulad ng Nueva Ecija, Pangasinan, Bulacan, at Ilocos.

Facebook Comments