DA, planong mag-angkat ng karagdagang galunggong matapos ang sunod-sunod na bagyo na tumama sa bansa

Plano ng Department of Agriculture (DA) na mag-angkat ng karagdagang isdang galunggong bago matapos ang taong kasalukuyan.

Ayon kay DA Assistant Secretary Arnel de Mesa, ito ay bunsod ng epekto ng sunod sunod na bagyo na tumama sa bansa at dahil na rin sa ipinatupad na na closed fishing season.

Ito ay maliban pa sa naunang 35,000 metric tons ng galunggong na inangkat ng pamahalaan.


Ayon kay De Mesa, inaantay ngayon ang pag-apruba sa importasyon ng 8,000 metric tons ng galunggong.

Inaasahang dadating sa bansa ang karagdagang imported fish sa unang bahagi ng Disyembre.

Facebook Comments