DA, Planong magsagawa ng Cloud Seeding Operation dito sa Lalawigan ng Isabela!

Cauayan City, Isabela – Planong magsagawa ng cloud seeding operation ang Department of Agriculture ngayong linggo dito sa Lalawigan ng Isabela.

Ito ang ibinahagi ni ginoong Angelo Naui, Department Head ng Provincial Agriculture Office sa panayam ng RMN Cauayan sa kanya.

Ito ay kasunod anya ng nararanasang tagtuyot dahil na rin sa epekto ng El Niño sa ating bansa.


Ayon pa kay Naui, mayroon nang mga magsasaka ang nagrereport ng kanilang partial damage sa kanilang pananim na mais at palay.

Kaugnay nito, nagsimula na rin ang dagdag presyo sa mga palay ng mga nagbebenta sa NFA Warehouse na mga kabilang sa listahan ng small farmers.

Samantala, nakahingi naman ng malaking alokasyon si Governor Bojie Dy III kay Pangulong Duterte sa pagbili ng NFA ng mga palay sa mga local farmers dito sa lalawigan ng Isabela.

Facebook Comments