Tiwala ang Department of Agriculture (DA) na magsisimula nang bumaba ang presyo ng kamatis sa susunod na araw.
Ito ay matapos na pumalo na sa ₱180 ang presyo ng kada ng kamatis sa ilang mga palengke.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa, unti-unti na umanong darating ang maraming suplay ng kamatis sa Metro Manila sa susunod na linggo.
Nag-aanihan na kasi aniya ng mga kamatis mula sa mga probinsya na itinuturing na mga producer nito.
Kabilang na rito ang Nueva Vizcaya na nauna nang na-delay ang anihan dahil sa epekto ng mga kalamidadad gaya ng Bagyong Aghon.
Madali rin kasi umanong masira ang mga tanim na kamatis lalo na kung malalakas ang mga pag-ulan.
Facebook Comments