Inalmahan ng Department of Agriculture ang alegasyon na hindi aktibo ang gobyerno sa pagbili ng palay sa local farmers.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, ginagamit na ng National Food Authority (NFA) ang lahat ng resources para mapahusay lang ang operasyon at procurement performance nito ngayong main harvest season.
Sinabi ng kalihim, patuloy ang pamimili ng NFA ng palay sa buong bansa sa halagang P19 per kilo sa 14 percent moisture content.
Sa kaniyang pagbisita sa nangungunang rice producing province sa Nueva Ecija, nakita nito ang aktibong palay buying activities katuwang ang Nueva Ecija provincial government.
Base sa ulat ng Philippine Statistics Authority, nanguna ang Nueva Ecija sa lahat ng rice producing provinces noong nakalipas na taon na nagkaroon ng total harvest na 1.95 million metric tons ng palay.
Kinakatawan nito ang 10.4 % ng kabuuang 18.81 million metric tons na aning palay ng bansa noong 2019.