Tinawag ng Department of Agriculture na persepsyon lang ang alegasyon ng United Broiler Raisers Association at Samahang Industriya ng Agrikultura na mas tumindi ang pagpabor ng administrasyon sa importasyon at pagkiling sa trade liberalization.
Sa virtual presser sa DA, sinabi ni Sr. Policy Adviser kay DA Secretary Dr. Fermin Adriano na hindi naman nangangahulugan na dahil nag-i-import ng bigas ang Pilipinas ay mayroong food insecurities na nararanasan.
Kahit aniya ang mayayamang bansa ay nag-i-import din ng kanilang agricultural products.
Sa katunayan aniya ay mas maliit na ngayon ang importation ng bigas sa bansa dahil inaasahan na ang mas produktibong ani ng palay sa susunod na anihan.
Dagdag ni Adriano, ang importation ng karne at pagkaing butil ay dahil mayroong pandemya na kailangang paghandaan sakaling may food shortage.