Umapela ang Bureau of Animal Industry (BAI) sa consumer advocacy group na Laban Konsyumer Inc., na huwag ituloy ang ikinakampanyang “pork holiday” sa harap ng patuloy na pagsipa ng presyo ng mga continued pork products.
Sa virtual presser ng Department of Agriculture (DA), sinabi ni BAI Dir. Reildrin Morales na hindi pork holiday ang sagot sa problema.
Sa halip aniya na makatulong ay magpapalala lang sa sitwasyon kapag itinigil na muna ang pagkain ng karne.
Ani Morales, hindi naman nagpapabaya ang DA at sinisikap na mapunan ang kakulangan ng suplay sa merkado.
Sa halip na “pork holiday”, maaari pa naman aniyang lumipat sa ibang meat supply ang mga consumers.
Hindi aniya makatwirang isisi sa administrasyon ni Sec. William Dar ang problema dahil nagkataong may nangyaring pamemeste ng African Swine Fever (ASF).
Tuloy-tuloy rin naman aniya ang pagpapadala ng mga baboy na galing Visayas at Mindanao.