DA, puntiryang makamit ang 20.6 million metric tons na aning palay sa 2024

Target ng Department of Agriculture (DA) na makamit ang ang 20.6 million metric tons na aning palay sa 2024.

Ayon kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, ang rice volume ay inaasahang tataas ng bahagya o tataas ng katumbas ng produksyon ng bigas noong nakaraang taon.

Sa ngayon, sinabi ni De Mesa na ang epekto ng El Niño sa mga pananim na palay ay “minimal” sa kabila ng naiulat na pagkalugi.


Iniulat ng rice sector ang pagkawala ng produksyon na 48,332 mt, na katumbas lamang ng 0.52 porsiyento ng 9.218 milyong mt na inaasahan ngayong dry cropping season.

Facebook Comments