DA-R02, pinakilos ang PNP at NBI para tukuyin ang mga sangkot sa iligal na pagbebenta ng binhi na ipinamamahagi sa mga magsasaka

Pinaiimbestigahan na ng Department of Agriculture (DA) Regional Field Office 2 ang nag-viral sa social media na umano’y pagbebenta ng mga binhi na bahagi ng libreng ipinamamahagi sa mga magsasaka.

Ayon kay Regional Executive Director Narciso Edillo, kinokondena niya ang naturang matiwaling gawain.

Nakikipag-ugnayan na aniya sila sa National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), mga Local Government Unit at sa mga private seed company para tukuyin at papangutin ang mga sangkot sa iligal na aktibidad.


Pinayuhan ni Edillo ang publiko na isumbong sa mga awtoridad ang sinumang indibidwal, grupo o agricultural suppliers na sangkot sa pagbebenta ng mga binhi.

Facebook Comments