Hinimok ni DA Regional Rice Program Coordinator Dr. Marvin Luis ang mga magsasaka na bumalik sa basic on good agricultural practices sa pamamagitan ng paglalagay ng organikong pataba bilang mabisang hakbang upang makatipid sa gastos para sa mga pananim.
Dagdag ni Luis, ang pagrerekomenda ng naturang agricultural practices ay hindi upang pigilan ang mga magsasaka sa paggamit ng inorganic fertilizers bagkus maturuan sila ng balanseng paggamit ng organic at inorganic fertilizers.
Samantala, sinabi naman ni DA Senior Agriculturist Chonalyn Pascua, na ang gawaing ito ay pagpapakita ng Research for Development (R4D)’s upang mapalago ang mga corn and rice-based areas.
Inihayag ni DA-Central Office Research Consultant Dr. Valentino C. Perdido, na ang paglalagay ng organic fertilizer ay ginagamit sa lupa habang ang inorganic fertilizer ay para sa halaman, kung saan napapanatili nito ang isang ani.