DA REGION 2, MULING MAMIMIGAY NG BIIK

Cauayan City, Isabela- Magbibigay muli ang DA Region 2 ng mga biik ngayong taon.
Inihayag ni Regional Executive Director Edillo, nasa mahigit limang libong sentinel at repopulation pig pa ang kanilang kailangang ipamahagi noong 2021 kung kaya’y mamahagi muli sila para sa mga naapektuhan ng ASF.

Target ng Kagawaran na makapamahagi muli ng mga biik sa darating na buwan ng Marso.

Bukod dito, ilalarga din ngayong taon ng DA ang iba pa nilang programa na tamang cluster ng pag-aalaga ng baboy.

Pero, ang magiging benepisyaryo lamang ng programang ito ay FDA o farmers’ cooperative at hindi indibidwal.

Iko-connect naman ang mga farmers’ cooperative sa City foods Corporation sa Lungsod ng Ilagan at sila na ang magsusuplay ng biik.

Kapag natuto na sila sa tamang pag-aalaga ng mga baboy ay pwede na silang magpalaki na kanilang sariling biik.

Facebook Comments