Sasagutin ng pamahalaan ang gastos sa pagbiyahe ng pork at chicken products sa Metro Manila para tumaas ang supply sa rehiyon at mapababa ang retail price nito.
Matatandaang pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order na nagpapataw ng 60-day price ceiling sa piling pork at chicken products.
Sa pagdinig sa joint committees sa Kamara, sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na inihahanda na nila ang mga kinakailangang assets para ihatid ang mga supply ng manok at baboy galing ng Visayas at Mindanao.
Dagdag pa ni Dar, may ilang wholesalers at traders na sinasamantala ang African Swine Fever Outbreak at COVID-19 pandemic para manipulahin ang presyo nito.
Itinanggi rin ng kalihim na pinapaboran ng ahensya ang pag-aangkat kaysa tulungan ang mga local producers.
“Iyong kakulangan talaga naman for the Filipino nation to be food secure, ay you have to bring it from the outside…Dito sa ating bansa, hindi pa natin lahat 100 percent makaya yong minimithi ng bawat Pilipino na gusto natin dito lahat dito sa bansa, so mas lalo pa nga sa COVIID-19 maraming problema,” paliwanag ni Dar.
Inatasan ng Kamara ang DA na palakasin pa ang mga hakbang nito para mapatatag ang presyo ng food commodities.