Pinayuhan ni Ombudsman Samuel Martires si Agriculture Secretary Farncisco Tiu Laurel Jr., na imbestigahan ang nagbigay ng maling listahan ng mga National Food Authority (NFA) opisyal at empleyado na umanoy sangkot sa katiwalian.
Ayon kay Martires, dapat magsagawa ng imbestigasyon si Sec. Laurel Jr., upang malinawan sa sinasabi ng ilang kawani ng NFA na mali-mali ang listahan na pinatawan ng preventive suspension.
Ito ay dahil sa ang ibang nasa listahan ay mga patay na o di kaya ay retirado na.
Sinabi pa ni Martires na ang NFA ang nagbigay ng listahan kay Secretary Laurel bago ito naisumite sa tanggapan ng Ombudsman
Binigyang diin ni Ombudsman Martires, dapat malaman ni Sec. Laurel Jr., kung may gustong sumabotahe dito.
Naniniwala si Ombudsman Martires na walang alam si Sec. Laurel Jr., kung may patay o retirado na sa listahang isinumite sa tanggapan ng Ombudsman.