
Ininspeksyon ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang dalawa sa tatlong mga farm-to-market road project na hindi natapos sa rehiyon ng Davao.
Ayon sa kanya, ang mga nasabing proyekto ay dapat tapos na noon pang 2021.
Dahil dito, ipapatawag ng DA ang mga kontratista ng tatlo sa maraming farm-to-market road projects at pagpapaliwanagin ang mga engineer ng Department of Public Works and Highways na nakatalaga mula 2021 at 2022.
Ang bawat kalsada ng mga nasabing farm-to-market roads ay pinondohan ng P12 milyon hanggang P15 milyon at ito dapat ay hindi bababa ng isang kilometro.
Dagdag pa ng kalihim, ang bansa ay nangangailangan ng humigit-kumulang 131,000 kilometro na mga farm-to-market road na layong maiugnay dapat ang agricultural production areas sa mga pamilihan sa lugar.









