
Nananawagan si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa mga ahensya ng gobyerno kung papaano susuportahan ang mga magsasaka at mangingisda para sa mas mabilis at mas disiplinadong overhaul.
Ayon kay Laurel Jr., na hindi katanggap-tanggap ang pagkakaantala at dapat na itong bilisan.
Aniya na karapat-dapat na ang mga negosyo ay maaasahan, at makabuluhan ang demand at dapat nang mihatid ito.
Dahil dito, inatasan niya ang mga nasa ilalim ng Department of Agriculture (DA) na tutukan na mapanatiling mapatatag ang pangangailangan, mapalakas ang market access, at tulungan ang agri-fishery enterprises na mapasigla ang lebel ng kanilang negosyo.
Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng ugnayan ng mga pamilihan, at iginiit na gumamit ng updated na prpducer supply maps upang ugnayin ang mga producers at buyers sa parehong publiko at pribadong sektor.
Isa sa kaniyang derektiba ang palawakub ang direktang pagbili ng gobyerno mula sa mga accredited ma farmers’ amd fisherfolk’s cooperatives and enterprises na para sa kaniya ay mahalaga sa pagpapatatag ng kita.
Binigyang-diin din ng kalihim ang muling pagbuhay sa Food Terminal Inc. at muling ibinalik ang mandato sa direktang pagbili sa mga magsasaka ng may maliit lamang na diperensya at pagsasaayos sa logistics gaps.
Ilan pa sa mga inisyatibong pinapalakas ni Laurel Jr. ay ang pagsulong sa Farmers and Fisherfolk Enterprise Development Information System, paglulunsad nationwide ng Enterprise Capacity Development Plan, pagbabaluk ng extension workforce ng ahensya sa susunod na taon, at paghimok sa Agricultural Credit Policy at mga nagpapautang sa gobyerno tulad ng Landbank at Development Bank of the Philippines (DBP) na simplehan ang credit access para sa mga matatag na negosyo.










