DA Sec. Manny Pi ñol, namahagi ng kagamitan sa mga magsasaka at mangingisda sa Bataan

Bataan, Philippines – Pinangunahan ni Department of Agriculture Secretary Pi ñol ang groundbreaking rites ng 8 milyong pisong halaga ng ice and cold storage plant sa Barangay Batangas, Dos Mariveles, Bataan.

Sinamahan si Secretary Pi ñol nila Governor Abet Garcia at Bataan Mayors AJ Concepcion, Gila Garcia, Tonypep Raymundo, Jopet Inton at iba pang regional municipal at mga lokal na opisyal.

Nagkaroon din ng dayalogo sa mga iba’t ibang grupo ng magsasaka at mangingisda at pagkatapos ay ipinamahagi sa kanila ang livelihood assistance equipment kagaya ng bangkang pangisda, rice threshers, life vests at iba pang kagamitan na nagkakahalaga ng mahigit 24.5 million pesos.


Facebook Comments