Cauayan City- Binigyang linaw ni Department of Agriculture Secretary Emmanuel Pińol ang umanoy issue na pinagalitan ito ni pangulong Rodrigo Duterte sa hindi nito pagsama ng ito ay bumisita sa Isabela upang alamin ang kalagayan ng mga biktima ng bagyong Rosita.
Sa naging pananalita ni Sec. Pińol sa isinagawang Consultative Meeting kanina sa lungsod ng Cauayan, inihayag nito na isa umanong pahayagan ang nagbalita sa umanoy pinagalitan ito ng pangulo sa hindi nito pagsama ng ito ay dumalaw sa Isabela.
Nilinaw naman ni Sec Pińol na nagpaabiso at nagpaalam ito sa Malacańang dahil sa pagdalaw nito sa kanyang mga namayapang kaanak noong Undas kaya’t nagtalaga siya ng representanteng kakatawan sa kanya.
Inihayag pa ni Sec. Pińol na ang pagbisita nito sa lungsod ng Cauayan ngayong araw ay bilang follow up parin sa pagdalaw ni pangulong duterte upang alamin at mapag-usapan ang mga dapat itulong ng DA sa mga apektado sa pananalasa ng bagyong Rosita.
Samantala, isa sa tinutukang usapin sa ginanap na pagpupulong ay ang pagdulog ng mga poultry owners sa pinsalang dulot ng bagyong Rosita sa kanilang kabuhayan upang matulungang makabawi at nasulusyonan ang mga problema ng mga ito.