Cauayan City, Isabela- Pinangunahan ni Agriculture Secretary William Dar ang pagdidikit ng food safety label sticker sa mga panindang gulay at prutas mula sa iba’t ibang farmers cooperatives and associations (FCAs) sa Nueva Vizcaya Agricultural Terminal (NVAT), Bambang, Nueva Vizcaya ngayong araw, Setyembre 4.
Bahagi ito ng selebrasyon ng Food Safety Month.
Personal rin nitong iginawad ang mga certificate sa farmers cooperative and association matapos makumpleto ng mga ito ang isinagawang pagsasanay sa usapin ng Good Agricultural Practices (GAP) at maipasa ang food safety requirements ng ahensya kasama ang maximum residue level at safety mula “aflatoxin”.
Ilan sa mga vegetable and fruit trucks of food safety-compliant ay mula sa mga bayan ng Ambaguio, Bagaba, Dupax del Norte, Quezon, Kayapa, Santa Fe, Kasibu, Bambang, Solano, and Bayombong sa Nueva Vizcaya, kung saan naidi-distribute ang karamihan ng mga suplay sa Metro Manila.
Sinasanay ng DA Cagayan Valley Regional Field Office ang mga FCA sa GAP at ang paggamit ng mga quick test kit (RTKs) para sa pesticide residue testing upang makontrol ang paggamit ng pestisidyo na ginagamit sa mga pagkain.
Dagdag pa dito, ang mga vegetable grower mula sa farmers cooperative ay ginawaran rin ng package interventions kasama ang biological control agents, RTKs, planting materials, at crates.