DA Secretary Francisco Tiu-Laurel, pinatotohanan ang pagkuwestiyon ni Senador Chiz Escudero sa mas mataas na budget sa flood control

Pinatotohanan ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel ang naging pagkuwestiyon ni Senador Chiz Escudero sa mas mataas na pondo sa flood control projects kaysa sa sektor ng agrikultura noong mga nakalipas na ilang taon.

Sa idinaraos na 47th Asean Ministers of Agriculture and Forestry Summit sa Manila, nagpasalamat si Secretary Laurel kay Senador Escudero dahil sa pagsusulong nito na mapataas ang pondo ng agriculture department.

Matatandaan na pinaboran kasi ni Sen. Escudero ang planong ilipat ang mas malaking budget sa DA sa halip na ituon sa flood control project.

Una nang tinulungan ng senandor si Laurel na bawasan ang flood control budget at idagdag sa 2024 budget ng DA.

Subalit tumawag umano sa kalihim si dating Cong. Zaldy Co at pinapatanong daw ni Speaker Martin Romualdez kung bakit binawasan ang pondo para sa flood control kung saan tuluyam ng hindi nadagdagan ang budget ng DA.

Ngayong 2026 national expenditure program, napagdesisyunan na ilipat ang pondo ng DPWH sa ibang ahensiya para maiwasan na maulit ang anomalya sa mga ghost project.

Ikinagalak ni Sec. Tiu Laurel ang nasabing panukala at tiniyak na mas maraming mapaglalaanan ang pondo kung matutuloy ang plano lalo na’t mas maraming magsasaka, mangingisda at iba pa sa sektor ng agrikultura ang makikinabang dito.

Facebook Comments