DA Secretary Laurel, ipinag-utos ang pag-audit sa mga farm-to-market road

Ipinag-utos ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang malawakang pag-audit sa lahat ng proyektong farm‑to-market road (FMR) simula noong 2021.

Layon nito na sundan ang mga pagsisiyasat na pinasimulan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa maanomalyang flood control projects.

Bagama’t ang mga scheme ng FMR ay tinukoy at na-validate ng Department of Agriculture (DA), ang mga proyektong ito ay na-bid out, at isinakatuparan ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Giit ng kalihim, gusto niyang makita na magkaroon ng transparency at makakita ng resulta at kalidad sa mga ipinapatupad na FMR.

Target ng DA na tapusin ang FMR audit ngayon taon.

Batay sa roadmap ng gobyerno, ang target ay bumuo ng 131,000 kilometro ng FMRs upang maiugnay ang mga sakahan sa mga pamilihan.

Nitong Hulyo may humigit-kumulang 70,000 kilometrong FMR ang nakumpleto.

Humigit-kumulang 61,000 kilometro naman ngayon ay itinuturing na backlog o pending validation.

Sa pagdinig ng badyet ng DA sa 2026, hiniling ni Tiu Laurel sa mga mambabatas na magpasa ng batas na magtatakda ng listahan ng prayoridad para sa mga proyekto ng FMR.

Taliwas sa nakaugaliang arbitraryong pagpili kung saan itatayo ang mga kalsadang nagdudugtong mula sakahan patungong merkado.

Facebook Comments