DA, sinigurong dekalidad ang murang bigas na ibebenta sa Rice for all Program

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na dekalidad ang mga ibebentang murang bigas.

Tugon ito ni Assistant Secretary at DA Spokesperson Arnel de Mesa sa harap na rin ng mga nag-viral sa social media na ilang mamimili ang nagreklamo dahil maitim at mabaho umano ang nabili nilang murang bigas.

Ayon kay De Mesa, well milled na bigas na katulad ng mga ibinebenta sa palengke ang kanilang ilalatag sa Rice for all Program.


Hindi rin umano pagpapapogi ang mga programa dahil matagal na umano itong plano na alinsunod sa layunin ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing abot kaya ang bigas sa publiko.

Siniguro din ni De Mesa ang magpapatuloy ng P29 na murang bigas para sa mga bulnerableng sektor.

Facebook Comments