DA, sinigurong may sapat na suplay sa ₱20 na kilo ng bigas programa ng ahensiya

Tiniyak ng Department of Agriculture o DA na sapat na ang suplay para sa ₱20 program o bente pesos kada kilong bigas.

Ayon kay Agriculture Spokesman Asec. Arnel de Mesa, kahit na unti-unting pinalalawak ang mga benepisyaryo ng programa ay kaya nilang suplayan ng bigas ang ₱20 program.

Sa katunayan, mayroon na aniyang walong milyong sako ng bigas na imbak ang National Food Authority o NFA sa buong bansa.

Sa ilalim ng ₱20 program, nasa 94.87 metric tons o 1,897 na sako ng bigas na ang nailalabas pa lang o higit pa para sa vulnerable sectors.

Paliwanag pa ni De Mesa na sa sandaling magsimula na sa June 13 ang programa para sa minimum wage earners, aabot sa 1.2 million kilo o 24,000 sako ng bigas kada buwan ang kakailanganin.

Maliban dito, kada buwan ay mayroong requirement naman ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na 35,000 na sako ng bigas para sa kanilang mga programa na isusuplay rin ng DA.

Kapag isinuma lahat ito, sobra-sobra pa umano ang imbak ng NFA.

Facebook Comments