DA, sinimulan na mag-export ng fresh ‘hass’ avocado sa Korea

PHOTO: Bureau of Plant Industry

Nagsimula na ang Department of Agriculture-Bureau of Plant Industry (DA-BPI) ng pag-export ng Fresh ‘Hass’ Avocado sa bansang Korea.

Ayon sa Bureau of Plant Industry (BPI), layunin nitong mag-export ng sariwang hass avocado fruits sa Korea, bilang pagtugon sa kahilingan ng DOLE Philippines.

Matatandaan noong June 19 lamang, nagkasundo ang Department of Animal and Plant Quarantine Agency (APQA) ng Republic of Korea at DA-BPI tungkol sa nasabing proyekto.


Samantala, batay sa initial shipment mayroon ng 3,040 boxes na nagkakahalaga ng $48,433 ang inaasahang darating sa Pyongtaek Port sa South Korea ngayong October 8.

Facebook Comments