DA, sisikaping makapag-produce ng mas maraming agricultural products kasunod ng pagsirit ng presyo ng mga gulay

Sisikapin ng Department of Agriculture (DA) na makapag-produce ng mas maraming agricultural products lalo na ngayong Holiday season.

Kasunod na rin ito ng inaasahang epekto ng sunod-sunod na bagyo at taas-presyo sa langis sa presyo ng mga gulay at karne.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, mas mataas ang konsumo ng mga tao sa pagkain tuwing Christmas season.


At para matiyak na sapat at maiiwasan ang lalong pagsirit ng presyo ng mga gulay sa Metro Manila, balak ng DA na i-mobilize ang food supply mula sa mga lugar sa Luzon na hindi gaanong naapektuhan ng bagyo.

“Sisikapin po na mas marami tayong food production para mas maraming food supplies in spite of the increasing price of oil. Lalo na itong Christmas, alam naman na ang ay mas Pilipinas ay maraming kinokonsumo sa lahat ng pagkain,” ani Dar.

Nabatid na lalo pang nagmahal ang presyo ng mga gulay sa mga palengke dahil sa pinsalang iniwan ng mga bagyo sa mga sakahan.

Sa ngayon, aabot na sa P550 ang halaga ng kada kilo ng siling labuyo at siling panigang mula sa dating presyo nito na P80 hanggang P100.

Doble rin ang itinaas sa presyo ng iba pang gulay gaya ng ampalaya, repolyo, pechay, patatas, talong, carrots, sayote, calamansi at kangkong.

Samantala, bukod sa panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo, nagpatupad din ngayong araw ng P10.56 na dagdag-singil sa kada 11-kilo tangke ng LPG.

Facebook Comments