
Sisilipin na ng Department of Agriculture (DA) ang kakulangan ng bigas at price manipulation sa Bocaue, Bulacan.
Kasunod ang ilang kumakalat na ulat sa social media tungkol sa mahabang pila ng mga mamimili sa Intercity at Golden sa naturang probinsya.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary at Spokesman Arnel De Mesa na imo-monitor ng kanilang kagawaran ang mga supplier at ang insidente ng nangyari sa Bocaue upang maiwasan ang pang-aabuso sa suplay at presyo ng bigas.
Ayon sa kaniya na dapat na nakakasunod ang mga retailer lalo na’t mababa ang inflation o benchmark sa naturang produkto.
Aniya, kung sakali mang hindi makasunod ang mga nagtitinda ay makikipag-ugnayan ang DA sa Department of Trade and Industry (DTI) at mga LGU para sa gagawing imbestigahon.
Tiniyak ng kagawaran na tuloy-tuloy ang kanilang pag-momonitor at pag-iikot sa pamilihan upang labanan ang mga mapang-abuso sa presyo at suplay ng bigas sa merkado.










