Sisimulan na ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapatuapad ng ₱600 million swine repopulation program lalo na sa mga lugar na dating naapektuhan ng African Swine Fever (ASF).
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, humuhupa na ang ASF incidence sa bansa.
Nitong March 26, 2021 aay nakapagtala na lamang ang DA ng 253 cases, kumpara sa 330 cases noong Pebrero at 358 cases noong Enero.
Ang pinamataas na monthly infection level na naitala ay nasa 1,773 cases noong Agosto 2020.
Ipapatupad ng DA ang Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion (INSPIRE) sa pamamagitan ng “sentinel” approach sa walong rehiyon na naapektuhan ng ASF – ito ay ang Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, Bicol Region, Davao Region, Soccsksargen, at Cordillera.
Makikinabang sa programa ang nasa 8,000 backyard raisers.
Ang mga benepisyaryo ay makakatanggap ng tatlo hanggang limang “sentinel” piglets o biik, kabilang ang feeds, veterinary drugs, biologics at anti-viral agents sa loob ng six-month fattening period.