Tiwala ang Department of Agriculture (DA) na magiging matatag ang suplay ng bigas sa bansa hangang sa unang quarter ng 2024.
Nagsimula na kasi ngayong Oktubre ang peak ng harvest para sa wet season.
Ayon kay DA Spokesperson Asec. Arnel de Mesa, inaasahang aabot ng 77 araw ang national stock inventory ng bigas sa bansa at kapag natapos na aniya ang anihan sa Nobyembre ay inaasahang aabot sa 94 days ang national stock inventory ng bigas.
Dahil dito ay aabot sa 2.4 million metric tons ng bigas ang national stock inventory ng bigas sa bansa sa katapusan ng 3rd Quarter ng taon na posibleng umabot sa unang kwarter ng 2024..
Bagaman mas mababa ito ng 600,000 metric tons kumpara sa 3 million metric tons noong nakaraang taon ay sasapat naman ito para sa 60 hanggang 90 araw na national stock inventory
Kasabay nito, umaasa ang DA na madaragdagan pa ito mula sa mga inangkat na bigas.