DA, tinapos na ang pagsisiyasat sa Q fever na tumama sa mga kambing

Tinapos na ng Department of Agriculture (DA) ang imbestigasyon sa pagpasok sa bansa ng mga imported na kambing mula sa Estados Unidos na mayroong Q fever.

Ayon sa impormasyon, ilan sa mga kambing sa farm ay nagkaroon na ng “issues” at nagpositibo sa Q fever noong December 29, 2023 bago sila dinala sa Pilipinas.

Ang Q fever ay nagdudulot ng malaking panganib dahil maaari itong makahawa sa iba’t ibang hayop, kabilang ang mga kambing, tupa, at baka, at maaaring maipasa sa mga tao sa pamamagitan ng contact sa mga nahawaang hayop o sa kanilang mga likido sa katawan.


Nauna rito, ang selection committee na responsible sa pag-apruba sa pag-aangkat ay nakatakdang magsagawa ng personal na inspeksyon sa farm upang matiyak ang kalusugan at kaligtasan ng mga kambing.

Noong January, February, April, nakumpirma na 19 sa 94 na imported na kambing ang nagpositibo sa Q fever.

Nauna na ring naglabas ng preventive suspension ang DA sa ilang tauhan ng Bureau of Animal Industry habang nagsasagawa ng imbestigasyon.

Inanunsyo ni Assistant Secretary at Spokesperson Arnel de Mesa na ang huling resulta ng imbestigasyon ay ilalabas ngayong linggo.

Facebook Comments