DA, tiniyak na hindi kukulangin ng supply ng bigas sa susunod na taon

May sapat na supply na bigas hanggang sa susunod na taon.

Ito ang tiniyak ni Department of Agriculture (DA) Usec. Domingo Panganiban sa harap na rin ng epekto ng Super Typhoon Karding sa mga pananim na palay, opsyon sa importasyon at mababang halaga ng piso.

Sinabi ni Panganiban, hindi magkakaroon ng malaking kakulangan ng bigas at palay para sa susunod na taon pero kailangan aniyang magkaroon ng buffer stock na 60 na araw para mapunan ang pangangailangan hanggang sa susunod na taon.


Sa ngayon, ayon kay Usec. Panganiban, pinapanatili nila ang 60 days buffer stock nang sa ganoon ay matiyak ang pangangailangan ng publiko ng bigas sa susunod na taon.

Facebook Comments