DA, tiniyak na hindi makakaapekto sa suplay ng manok sa bansa ang pagtigil ng chicken importation mula sa Brazil

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na nananatiling matatag ang suplay ng manok sa bansa kahit pansamantalang itinigil ang pagpasok sa bansa ng mga manok na galing sa Brazil.

Ito’y matapos na mapag-alaman na ilang manggagawa sa meat treatment facilities sa Brazil ang tinamaan ng COVID-19.

Sa virtual presser ng DA, sinabi ni Bureau of Animal Industry Dir. Ronnie Domingo na 300 million kilograms ng manok kada taon ang inaangkat ng bansa.


15% lamang aniya ang sinusuplay ng Brazil sa Pilipinas.

May 14 pa aniyang mga bansa na nakahandang pagkuhanan ng suplay ng manok kung kinakailangan.

Dagdag pa ni Domingo, sa ngayon ay over supply pa ang produksyon ng manok sa bansa na magtatagal sa loob ng 150 araw.

Facebook Comments