Tiniyak ni Agriculture Secretary Manny Piñol na hindi niya papayagan na maulit ang madugong rally ng mga magsasaka sa Kidapawan tatlong taon na ang nakalilipas .
Ito ay nang mauwi sa madugong komprontasyon noon ang simpleng paghingi ng mga magsasaka ng bigas at iba pang ayuda matapos salantain ng El Niño noon ang kanilang mga lupang sakahan.
Ayon sa kalihim, kalagitnaan pa ng 2018 ay nakahanda na ang DA sa panahon ng El Niño phenomenon.
Sinabi ni Piñol na nakahanda na ang pautang na 25,000 na pautang sa ilalim ng survival and recovery loan na walang kaukulang interest at collateral.
Nakahanda na rin ang mga binhi at pataba na ipapamahagi sa mga magsasaka sa sandaling pumasok na ang tag-ulan at magsisimula na ang pagtatanim.
Facebook Comments