DA, tiniyak na hindi tataas ang presyo ng gulay sa kabila ng epekto ng Bagyong Florita

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na walang magaganap na pagtaas ng presyo ng gulay sa Metro Manila sa kabila ng epekto ng Bagyong Florita sa mga lalawigan.

Ayon kay DA Undersecretary Kristine Evangelista, patuloy na nagsasagawa ang mga field office ng pagtatasa upang matukoy ang halaga ng nawasak ng bagyo sa agrikultura, maging ang pag-mo-monitor sa local supplies sa Ilocos Norte.

Mula sa 220 metric tons ng agricultural products na isinusuplay ng Ilocos Norte sa Metro Manila, dalawang metric tons dito ay mga gulay.


Sa inisyal na datos, lumilitaw na aabot sa ₱3.01 milyon ang napinsala sa agrikultura sa Ilocos Norte kung saan ay halos 310 mga magsasaka ang naapektuhan sanhi ng bagyo.

Aniya, nagsasagawa na ang ahensiya ng mga interbensyon sa mga lugar na sinalanta at magpadala rin sila ng mga standby Kadiwa stores sa rehiyon sakaling kakailanganin.

Ang DA ay mayroon ding quick response fund na pangangasiwaan ng regional offices ang distribusyon.

Facebook Comments