DA, tiniyak na limitado lang sa 16 thousand metric tons ang inaprubahang aangkating puting sibuyas

Kinumpirma ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na limitado lang sa 16,000 metric tons ang inaprubahang aangkating puting sibuyas.

Ito’y upang mapunan ang domestic supply at matiyak ang matatag na presyo nito sa merkado.

Ito ay inaasahang dumating bansa sa huling apat na buwan ng taon.


Ani Laurel, ang unang batch ng mga imported na sibuyas na ito ay magsisimulang dumating sa loob ng susunod na ilang araw.

Dapat kasi aniyang maihatid sa bansa ang karagdagang supply ng puti o dilaw na sibuyas bago matapos ang taon upang maiwasang maapektuhan ang output ng mga lokal na magsasaka ng sibuyas sa unang bahagi ng susunod na taon.

Hindi tulad ng pulang sibuyas na malaki ang volume ng produksyon sa bansa, ang lokal na produksyon ng puti o dilaw na sibuyas ay limitado.

Ani Sec. Tiu Laurel na sapat na ang kasalukuyang supply ng pulang sibuyas hanggang Marso sa susunod na taon.

Facebook Comments